Oh hello there May!
Yeah 5th month na ng year 2012. What? Seriously? Ibig sabihin malapit na naman ako tumanda at goodbye na sa teen age years ko.
May, Month of awesomeness kasi this is my month at month din ni significant one, kaya we’re both awesome kaya kapag kami ay nagcombine magkakalat kami ng awesomeness sa earth haha :)) Pero yan magiging dalawang dekada na akong nabubuhay sa mundong ito tunay na kay bilis ng panahon. Pero yun seriously ang hirap maggrow-up ngayong nasa 20 na ako kelangan mas maging matured at maging responsible pa akong nilalang ng mundong ito. Pero yun mas maging kapaki-pakinabang pa dapat akong alagad ng Diyos. :)
At sya nga pala goodbye April and hello May my month, the awesome month.
- Hi miss May 1 kaba? Kasi you’re May 1 and only! :)
Banat banat din :))
Today was a great day :)
Maagang nagising para sa INC Giving, ang ganda ganda pa ng weather ang ganda din ng pagsikat ng araw. Sobrang nakakagana ang araw kapag laging ganun ang weather. Photographer kuno ako sa event, jk. pero oo nga “official” daw ako “daw”. haha. Nakakenjoy magkukuha lang talaga rin kasi ng picture, mas lalo yung mga stolen at makukuha mo ung mga malalaking ngiti, nakakahaya lang yung mga ganung pagngiti.
At di ko akalaing magagawa kong magkakaway at sumigaw sa gitna ng daan para ipromote ung isinasagawa naming INC Giving, yung para bang “Ad Dancer” style/Politiko sa kakakaway. Nakakatuwa pa kasi nga yung pakiramdam na sa simpleng pagkaway at pagngiti at pagbati sa mga taong dumadaan ay napapangiti sila, ang sarap lang sa feeling. At yung malupet nakapag-anyaya kami ng dalawang ang astig lang di ko inexpect na may papansin sa ginagawa namin, na actually dapat nga naman pansinin nila kasi nga Job Fair yun. Free Seminar pa at Free formal clothing attire saka Free Food san kapa. Isa pa naipromote pa namin yung Regional Gem namin sa April 21 yung simpleng pagpapamigay ng mga invitations maaring macurious sila at dumalo.
Then after naman ng INC Giving, Panata naman para sa handugan bukas and then after Pulong ng BuKaBin astigin na araw to nanirahan ako sa kapilya but it was good though.
Yan, yan ang araw ko puros kabanalan :D Goodnight.
Nakakamis maging bata.
Nakakamis yung childhood years, yung tipong di mo iniisip yung love love na yan, kasi yung nasa isip mo lang nung bata ka ay yung laruan mo, at puro paglalaro, yung wala kapang mabigat na problemang iniisip. Yung pakiramdam na yung buong mundo ay isang malaking palaruan sayo, kasama yung mga kalaro mo.
Kailangan kita kasi mahal kita o mahal kita kasi kailangan kita?
Mahal mo nga ba ako dahil kailangan mo ko? o kaialangan mo ko kasi mahal mo ko?
Ano nga ba pagkakaiba ng dalawang yan?
Mahal kita kasi kailangan kita. - Nagmamahal kalang kasi may kailangan ka sa taong yun, minamahal mo lang siya kasi may pakinabang ka sakanya tapos kapag wala na siyang pakinabang or wala kanang kailangan sakanya tapos na kayo in one word MANGGAGAMIT ka. Na actually di naman itong matatawag na tunay na pagmamahal.
Kailangan kita kasi mahal kita -Ito yung uri na nagmamahal ng tunay kasi kaya mo kailan ang isang tao na un kasi mahal mo ito, di mo lang siya minamahal dahil sa may kailangan ka sakanya.
Make sense?
Morning text!
Gustong gusto kong nakakareciv ng goodmorning text mas lalo kung galing to sa mahal mo. Ang sarap sa feeling ung tipong paggising mo at pagkuha mo sa phone mo, text nya mababasa mo tas mapapasmile ka nalang. Kahit sa simpleng text na ” Good morning baby :) “.
“Walang manloloko, kung walang magpapaloko.”
Kung kikilatisin muna natin ang isang tao, kung kikilalanin muna natin kung sino sila o ang pagkatao nila malalamn natin kung karapatdapat pa sila para sa atin. Or in other words, Kung gagamitin muna natin ang utak natin bago ang puso mas makakaiwas tayo sa gantong mga tao. Madalas kasing mauna ang puso ng di kasama ang pagiisip, madaling bumigay ang puso sa kahit anong bagay kaya dapat lagi nating pagsamahin ang Utak at puso sa pagdidesisyon. Hindi pwedeng puro puso lang at hindi pwedeng puro utak lang, kelangan pareho.
I miss the kilig feeling.
Kahit lalaki ako kinikilig din ako, it’s sounds gay, pero ayan ang totoo. Yung kilig feeling na to madalas ko maramdaman sa nagiging karelasyon ko,yung feeling na nakakalusaw ng puso, yung pakiramdam ng kilig na yun eh nakakabuo talaga ng araw, madaling araw, at gabi. It’s been a long time na rin since naramdaman ko yung feeling na yun. Kelan ko kaya ulit mararamdaman yun?
A man in Thailand Married a dead girlfriend to fulfill his promise of love.
29-year old Sarinya Kamsook and her 28-year-old boyfriend, Chadil Deffy, were to be married this year. Sarinya Kamsook unfortunately died in a car crash, just day before the big event, Deffy decided to go on with their wedding as planned and married her.
Sarinya was involved in a car crash, leaving her severely injured. She still could have been saved with timely medical attention. However, the doctors made her wait for 6 hours due to an overcrowded ICU instead of transferring her to another hospital. During this time, she succumbed to her injuries and passed away.
During her funeral in Surin, Thailand, Chadil Duffy placed a ring on his deceased bride’s finger. It thus turned out a wedding/funeral ceremony, one of the rare events in the world.
Till death do us apart…
Real Friends.
Natutuwa ako kapag may nagsheshare sa akin na isang kaibigan. Masaya ako kasi pinagkakatiwalaan nila ako. Nakakataba ng puso ang mga ganung kaibigan. Pero yung nagshare sakin na kaibigan ngayon hindi lang siya basta kaibigan para sakin, kundi isa siyang mahalagang kaibigan.
Masaya ako kapag nakapagbibigay ako ng advise at kapag tinatanggap nila ito. Masaya ako kapag nakakapagbigay tulong sa isang kaibigang nangangailangan.
